Minsan naisip ko bakit ba sobrang bait ko? Yung tipong sabi ng ibang tao naeexploit na daw yung kabaitan ko at pwedeng-pwede na akong gawan ng masama. Sa totoo lang, hindi ko din alam eh. Siguro dahil mas pinapahalagahn ko ang pagkakaibigan ng higit sa lahat o kaya naman takot lang ako mapag-isa. Masaya kasi yung palagi kang may kasama, kausap, kakulitan at katawanan.
Napagtanto ko na mas marami pa yung oras ko kasama ang mga kaibigan ko kesa sa pamilya ko. Weird. May pakiramdam kasi ako na parang mas komportable ako kasama yung ibang tao. Komportable din naman ako sa bahay kasama pamilya ko pero may kung ano sa pakiramdam na palagi na lang gusto ko lumabas kasama mga kaibigan ko.
Siguro dahil alam kong madalang ko na lang makikita tong mga kaibigan ko sa kolehiyo dahil bilang na ang mga araw ko bilang isang estudyante. Siguro kaya ako sobrang bait nitong mga nakaraang araw. Siguro dahil pamilya na rin ang turing ko sa kanila kaya ganito na lang ang nararamdaman ko.
Hmmmmm.
Ang hirap mag-isip. LOL. Basta ang alam ko mahal ko tong mga kaibigan ko. Mula man sa iba't-ibang uri ng pamumuhay. Mula man sa iba't-ibang kurso. May iba't-iba mang personalidad. Ewan ko pero sobrang ayoko sila mawala sa buhay ko. (sobrang cheesy. haha)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento