Minsan naisip ko bakit ba sobrang bait ko? Yung tipong sabi ng ibang tao naeexploit na daw yung kabaitan ko at pwedeng-pwede na akong gawan ng masama. Sa totoo lang, hindi ko din alam eh. Siguro dahil mas pinapahalagahn ko ang pagkakaibigan ng higit sa lahat o kaya naman takot lang ako mapag-isa. Masaya kasi yung palagi kang may kasama, kausap, kakulitan at katawanan.
Napagtanto ko na mas marami pa yung oras ko kasama ang mga kaibigan ko kesa sa pamilya ko. Weird. May pakiramdam kasi ako na parang mas komportable ako kasama yung ibang tao. Komportable din naman ako sa bahay kasama pamilya ko pero may kung ano sa pakiramdam na palagi na lang gusto ko lumabas kasama mga kaibigan ko.
Siguro dahil alam kong madalang ko na lang makikita tong mga kaibigan ko sa kolehiyo dahil bilang na ang mga araw ko bilang isang estudyante. Siguro kaya ako sobrang bait nitong mga nakaraang araw. Siguro dahil pamilya na rin ang turing ko sa kanila kaya ganito na lang ang nararamdaman ko.
Hmmmmm.
Ang hirap mag-isip. LOL. Basta ang alam ko mahal ko tong mga kaibigan ko. Mula man sa iba't-ibang uri ng pamumuhay. Mula man sa iba't-ibang kurso. May iba't-iba mang personalidad. Ewan ko pero sobrang ayoko sila mawala sa buhay ko. (sobrang cheesy. haha)
Thoughts of a Graduating Chem Student
Sabado, Nobyembre 16, 2013
Martes, Nobyembre 12, 2013
Postura, Ngiti at Larawan
October 17, 2013. Isang petsang kasing importante ng kaarawan ko. Ilang beses ka ba naman kukuhanan ng litrato para sa pagtatapos sa kolehiyo. ISA LANG! Maliban na lang kung may balak kang mag-aral ulit :P
Pagpasok pa lang ng unang semestre ay masakit na ang ulo kakaisip ng tema para sa aking 'creative shot'. Kailangan maganda. Kailangan kakaiba. Kailangan AKO talaga.
Nung iaanunsyo ang lugar at petsa ng photoshoot, hindi na ako mapakali. Hindi ko alam ang aasahan ko. Pero nung makita ko ang mga sample ng mga litrato ng Zone 5, nabunutan ako ng tinik kasi malakas ang pakiramdam ko na mag-eenjoy ako sa photoshoot.
Araw ng photoshoot maaga ako gumising. Humarap sa salamin at nagpractice ngumiti. Naghalo ang emosyon ko. Na-eexcite pero kinakabahan.
Pagdating sa Zone 5, lalo kong naramdaman ang excitement hanggang sa pinapasok na kami sa makeup room. Natuwa ako kasi mabait yung mga makeup artist. Kinakausap ka habang pinapagwapo. Haha.
Nang matapos sa makeup, sa wardrobe naman. Sinuotan kami ng suit and tie. Tatlo pa lang kami sa studio kaya medyo feel na feel ko yung atensyon na binibigay. Ganito pala yung feeling ng mga model pag binibihisan sila. LOL.
Oras na para kuhanan kami ng picture. Pianupo ako sa upuan. Tinuruan ng pose. Medyo awkward pa nga kasi nahihiya ako sa nanonood habang kinukuhanan ako ng picture. Hindi ko malilimutan yung sandaling sinuotan ako ni ate ng barong at sablay. Sabi ko pa, "Eto na talaga yun. *sigh* Gagraduate na ako. Haha." Natawa pa nga si ate eh.
Nang matapos sa formal, toga at sablay, eto na creative shot na. Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba yung peg ko. Pinakita ko kay ate yung peg tapos gagawan daw ng paraan.
Pinakilala sakin yung photographer. Sinabi ko yung peg ko tapos sabi nya maganda daw. Syempre natuwa ako. Dagdag confidence. Pero medyo nahihiya pa rin ako kasi lahat ng mga kaibigan ko manonood. Sabi pa, "First blood daw ako sa creative shot".
Ang bait ni kuya. Hinahanap nya talaga yung magandang angles at tinuturuan sa facial expression at inaalalayan sa posing. Feel na feel ko maging model. Haha. Sobrang dami kong pagpipilian na shots.
Napaka-accomodating at babait ng tao sa Zone 5. Saksi din kasi ako sa mga kaibigan ko nung sila naman ang kinukuhanan ng picture. Alalay pa nga nila ako at tinutulungan sila. Sobrang ganda ng serbisyo nila. Aircon pa. LOL.
Ito yung pinaka-memorable kong gradpic sa buong buhay ko. Salamat talaga Zone 5.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
